Inilunsad ng Cagayan Valley Center for Health and Development (CVCHD) ang kampanyang “Alas Kwatro Kontra Mosquito” upang labanan ang tumataas na kaso ng dengue sa rehiyon at sa buong bansa.
Sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, health offices, at iba pa, inilunsad ng Centers for Health Development ang pangmalawakang “Alas Kwatro Kontra Mosquito”.
Upang puksain at pigilan ang paglaganap ng sakit na dengue, isinagawa ang sabay-sabay na paglilinis ng lahat ng pampubliko at pribadong lugar sa ganap na alas-kwatro ng hapon.
“Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang ating sama-samang pagsisikap na kontrolin ang pagdami ng sakit na dengue sa pamamagitan ng paghahanap at pagpupuksa sa mga lugar na maaaring pagmulan ng mga lamok,” ayon sa ahensya.
Ayon sa ahensya, bukod sa sabay-sabay na paglilinis, ang kahalagahan ng 5S Laban sa DengueโSearch and Destroy, Secure Self-Protection, Seek Early Consultation, Support Fogging and Spraying, at Sustain Hydrationโay higit pang itataguyod bilang karagdagang depensa laban sa sakit.
Ayon sa CVCHD, ang pagpapatupad ng “Alas Kwatro Kontra Mosquito” at ang 5S Against Dengue ay isang mahalagang hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng mga kaso ng sakit at maprotektahan ang bawat pamilya mula sa dengue virus.
Patuloy naman ang panawagan ng ahensya sa publiko na suportahan ang aktibidad upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng dengue at iba pang sakit na dala ng lamok.#