Isinagawa ang all-women fire drill bilang bahagi ng 4th Nationwide Fire Drill on High-Density Occupancies at kasabay ng National Women’s Month sa loob ng isang pribadong mall sa Cauayan City.
Di-nagpatinag ang mga 168 na mga babaeng responders at ginawa ang mga fire drill procedure matapos ang evacuation sa iisang lugar at tiniyak rin ang regular na ebalwasyon at pagpapaunlad sa kanilang kasanayan sa drills.
Life-saving daw ang pagiging handa kaya naman mabilis rin at ligtas ang responde ng mga rescuers sa naturang drill.
Ipinakita rin ang kasanayan sa mga evacuation routes, pag-testing sa mga alarm system at fire procedures, at pagsasanay lalo na ng mga bagong kawani para maprotektahan ang mga ari-arian.
Handa naman daw ang mga babae sa mga sakuna gaya ng sunog kaya wala silang kiyeme sa pagtulong sa pagapula ng sunog bilang bahagi ng National Women’s Month.
Mahalaga raw ang kaalaman at kasanayan sa fire hazard prevention at management sa lugar ng trabaho.#