Nagbukas na ang pinakaunang branch ng Allianz PNB Life sa Santiago City, Isabela nitong ika-22 ng Hulyo.
Kasalukuyang nangungunang insurance agency ang Allianz PNB Life sa Pilipinas pagdating sa premium income. Kaakibat ng pagpapalawig ng mga serbisyo sa Internet at social media, layunin ng Allianz ngayon na pagsilbihan ang iba pang mga lalawigan sa labas ng Metro Manila, tulad ng Isabela.
“Our new branch office in Isabela signals the strengthening of Allianz PNB Life’s presence in Luzon (Hudyat ng pagtatatag ng presensya ng Allianz PNB Life sa Luzon ang bago naming branch sa Isabela),” sabi ni Alexander Grenz, President at CEO ng Allianz.
Ayon sa isang survey, 76% ng mga Pilipinong wala pang health plan ay inaasahang kumuha na ng sariling insurance ngayong pandemya dala ng pagiging mas maingat nila sa kalusugan.
Handa naman magbigay ng dagdag proteksyon ang Allianz laban sa maraming uri ng sakit. Kabilang na dito ang gastusin para sa COVID-19, na kaya nilang sagutin mula ospital hanggang sa pagpapabakuna.
“Allianz is committed to meet the financial services needs of Filipino families, to make insurance accessible to all, and to help growing economies like Santiago and various provinces in Northern Luzon,” sabi ni Ana Kristina Galsim, Chief Agency Officer ng Allianz PNB Life.
(Nakatuon ang Allianz na mamahagi ng serbisyong pampinansyal sa pamilyang Pilipino, gawing mas abot-kaya ang insurance para sa lahat, at tulungang paunlarin ang mga lumalaking merkado tulad ng Santiago at iba pang lalawigan sa Northern Luzon.)
Katuwang ng Allianz dito ang Lyra Agency, isa sa mga nangungunang partner ng Allianz sa buong bansa.
“Gusto ng Lyra Agency siguraduhing financially secure ang bawat pamilya sa Isabela,” sabi ni Kezzia Saguiped, isang tubong-Isabela at Managing Partner ng Lyra Agency. “Sa panahon ngayon, mahalagang alagaan ang sarili para na rin sa kapakanan ng pamilya at ng komunidad.”
“It is important for us to make our presence closer and more visible to the people of Cagayan Valley to further secure even more futures through simple, fair, and sustainable solutions,” dagdag ni Grenz.
(Mahalaga sa aming magpakilala at mapalapit sa mga tao ng Cagayan Valley upang makahatid ng simple, abot-kaya, at de-kalidad na insurance sa mas nakararami.)
Sa ngayon, nag-aalok ang Lyra Agency ng libreng konsultasyon sa kanilang tanggapan. Bukas ito ng anumang oras sa 2F Navarro Building, Dubinan East, Pan National Highway, Santiago City, Isabela.