Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang ama na nang-abuso sa sarili nitong anak sa Brgy. Ramos, Aglipay, Quirino.
Ang suspek ay kinilala bilang si “Alyas Johan” at nahaharap ito sa dalawang (2) kasong Qualified Rape of a Minor.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na dalawang beses isinagawa ng suspek ang pang-aabuso sa sarili nitong anak sa loob ng kanilang tahanan—una noong Hulyo 2022, at pangalawa noong Setyembre 3, 2024.
Dahil sa matinding trauma na dinanas ng biktima mula sa malagim na insidente, nagsampa ito ng reklamo laban sa suspek.
Ang matagumpay na pagkaka-aresto ng suspek ay dahil sa pinagsamanang pwersa ng Aglipay Police Station, Quirino Provincial Intelligence Unit (QPIU), at 1st Quirino Provincial Mobile Force Company (QPMFC) at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samanatala, isinailalim ang suspek sa medical check-up upang matiyak na nasa maayos itong kalusugan bago isagawa ang dokumentasyon at tamang disposisyon.#