Nagdulot ng matinding trapiko sa bayan ng Bagabag at Diadi ang naganap na banggaan ng dalawang bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Kinacao, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Nasa 30-minuto ang interval ng one-lane na daloy ng trapiko habang inaayos ang banggaan.
Wala namang grabeng nasaktan sa banggaan maliban lamang daw sa mga konting bukol, sugat at galos ng ilang pasahero.
Nagbabala ang awtoridad sa mga motorista na huwag magcounterflow at huwag sumingit para di lalong lalala ang masikip ang daloy ng trapiko.#