SAN MATEO, Isabela-Ipapadala ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) ang apat na interns para sa Filipino Young Farmers Internship Program sa bansang Taiwan.
Kasama sa papuntang Taiwan sina Jenifer N. Laudencia mula Del Pilar, Cabarroguis, Quirino, Devine Grace T. Nevada mula sa Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya, Efren P. Lamsis ng Brgy. Ansipsip, Kayapa, Nueva Vizcaya at Junel A. Pumma mula sa Taliktik, Cordon, Isabela.
Tatagal ang pananatili ng mga ito sa loob ng 11 buwan sa Taiwan, na magsisimula sa Mayo 19, 2025, at magtatapos sa Abril 2026.
Layunin nito na matuto mula sa mga eksperto, at magdala ng mahahalagang kaalaman pabalik sa kanilang mga komunidad kung saan inaasahan silang ilapat ang kanilang matututuhan sa naturang bansa.#