![TOLENTINO SA TUGUEGARAO CITY](https://www.balitanghilaga.net/wp-content/uploads/2024/12/462575751_611384518087736_7803838038565167043_n-1068x801.jpg)
TUGUEGARAO CITY-IBINIDA ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang kanyang akda na Archipelagic Sea Lanes Law dahil tiyak raw ito na palalakasin ang territorial integrity at seguridad ng bansa.
Ayon pa sa senador na siyang umakda sa panukalang batas, patitibayin ng nito ang territorial claim at jurisdiction sa mga karagatan na nakapaligid sa arkipelago alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS), at iba pang international laws.
itinatalaga ng Archipelagic Sea Lanes Law ang archipelagic sea lanes ng bansa at ang pagdaan ng naaayon sa batas ng bansa ang mga banyagang sasakyang pandagat at panghimpapawid.
Mahalaga raw ito para sa national security, energy security at maging para sa karapatan at kapakanan ng mga mangingisda ng bansa.
Sa pamamagitan ng International Maritime Organization (IMO), na siya namang magbibigay alam sa mg kasapi nitong bansa ukol sa mga bagong batas, hindi maaaring payagng dumaan sa hurisdiksyon ng Pilipinas ang mga hindi susunod sa naturang batas.
Nasa lungsod ng Tuguegarao si Senador Tolentino bilang pangunahing tagapagsalita sa sa 25th Cityhood Anniversary Celebration nito.#