Ash Wednesday, dinagsa ng mga debotong Katoliko sa Isabela kanina, Marso 5.

Ito ang hudyat ng umpisa ng 40-araw na bahagi ng Lenten season, ayon sa mga pinuno ng Romano Katoliko.

Nagpalagay ng mga ashes sa noo ang mga deboto bilang tanda ng umpisa ng pagtitika. 

Ito raw ay tanda ng pagsisisi at pag-amin sa mga nagawang  kasalanan. Karaniwang ginagawa ito ng mga pari sa loob ng simbahan para sa mga deboto.

Base sa kasaysayan, ang abo ay ginagamit noong sinaunang panahon bilang tanda ng pighati hanggang sa maging simbolo ito ng pagsisisi ng mga Kristiyanong Katoliko sa pamamagitan ng pagpahid sa noo sa tuwing sasapit ang Ash Wednesday.

Ang abong ipinapahid sa noo ng bawat Katoliko ay nagmula sa sinunog na palaspas na sumisimbolo sa kapaniwalaan na “ang tao ay nagmula sa alabok, at sa alabok rin babalik”. 

Ang krus naman na ipinapahid sa noo gamit ang abo ay tanda ng pagliligtas at walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa mga tao.#