Nagsagawa ng isang banal na misa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan bilang pakikiisa sa pag-obserba ng Ash Wednesday na ginanap sa Commissary Building, Capitol Compound ngayong Miyerkules, Marso 05, 2025.
Ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma o ang 40-araw ng pag-alala sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus.
Tuwing Ash Wednesday, pinapahiran ng abo sa noo ang mga dumalo na sumisimbolo ng pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos.
Ang misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Aaron Beltran na personal namang dinaluhan ng mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan, mga department heads, consultant, mga kawani ng Kapitolyo ng Cagayan at iba pang deboto.#