Pormal nang iprinoklama na nanalo bilang bise mayor ng Reina Mercedes, Isabela si Atty. Harold Respicio noong Hunyo 5.(Balitang Hilaga)

Ulat nina Demie Danday at Gideon Visaya

ISABELA-Pormal nang iprinoklama ng MBOC bilang elected vice mayor si Atty. Jeryll Harold Respicio ng Reina Mercedes, Isabela sa munisipyo ng nasabing bayan, 22 araw matapos ang halalan.

Matatandaan na kinasuhan ng Comelec ng cyberlibel at diskuwalipikasyon si Atty. Respicio dahil sa diumano ay fake news na maaaring mahack ang ACM o Automated Counting Machine.

Una rito, inatasan ng Commission on Elections-First Division ang municipal board of canvassers in Reina Mercedes, Isabela na mag-reconvene at iproklama bilang elected vice mayor si Jeryll Harold Respicio, isang abogado at accountant, noong Hunyo 2.

Pirmado ito nina Commissioners Aimee Ferolino, Ernesto Ferdinand Maceda Jr. at Marina Norina Tangaro-Casingal na nagtanggal rin sa suspensyon ng kanyang proklamasyon sana noong Mayo 13 dahil sa kasong cyberlibel at diskuwalipikasyon na isinampa ng Comelec laban kay Respicio.

Tinalo ni Respicio si outgoing Anthony “Bong” Respicio sa boto na 6,042 laban sa boto na 5,456 ng kaaway na kamag-anak.

Nakakuha naman ng 2,006 boto si Boy Baua, pangatlo sa mga kandidato.#