GAMU, Isabela – ikinatuwa ng mga magsasaka sa Isabela ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) patungkol sa ayuda at pautang sa mga magsasaka.
Hangad ni Evangelino Carballo, 62, Magsasaka mula sa Gamu, Isabela, ay sana hindi na umano magkaroon ng mahabang proseso sa pautang para hindi mahirapan ang mga magsasaka.
Nais ng mga ito na bumaba ang presyo ng abono at binhi at tumaas ang presyo ng mga produktong pang-agrikultura upang tumaas ang kanilang kita.
Nanawagan naman ang mga magsasakang Isabeleno kay Pangulong Marcos na magkaroon ng patubig sa mga sakahang hindi naaabot ng irigasyon.
“Umaasa lang kami sa ulan, naghihintay lang kami ng ulan bago magtanim ng palay. Sana magkaroon din kami ng irigasyon dito sa banda namin kasi sa creek lang kami kumukuha ng tubig,” ani Harold Carballo, 33, magsasaka.