Naipaabot sa mga Biktima ng Lindol ang ayuda para sa mga ito sa tulong ng mga miyembro ng 503rd Infantry Brigade ng Armed Forces of the Philippines at Department of Social Welfare and Development SWAD Kalinga. Courtesy: PAT Kalinga/ Macfarlyne Estino Bumosao

Sa pagtutulungan ng mga miyembro ng 503rd Infantry Brigade ng Armed Forces of the Philippines at Department of Social Welfare and Development SWAD Kalinga, naipadala kahapon ang 400 Family Food Packs, 30 Family Kits at 10 Kitchen Kits sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Pasil para sa mga pamilyang apektado at mga pamilyang nagsilikas dahil sa 7.0 magnitude na paglindol na puminsala sa kalakhang bahagi ng CAR.

Bukod pa dito, naipadala din sa Pamahalaang Bayan ng Lubuagan ang 200 Family Food Packs, 30 Family Kits, at 10 Kitchen Kits.

Nananatiling nakaantabay ang ahensiya sa mga posibleng relief augmentation upang tugunan ang pangangailangan ng karagdagang tulog ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan. #

Courtesy: PAT Kalinga/ Macfarlyne Estino Bumosao