Home News Backrider, patay nang mabangga ng Elf sa Kasibu, Nueva Vizcaya

Backrider, patay nang mabangga ng Elf sa Kasibu, Nueva Vizcaya

0
40
Courtesy: Nueva Vizcaya PPO

Patay ang backrider ng isang motorsiklo matapos itong matumbok ng isang Elf sa Barangay Macalong, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Kinilala lamang ng pulisya ang biktima na isang 62-anyos na lalaki at residente sa naturang lugar habang ang nakabangga ay ang Elf na minamaneho ng 33-anyos na residente ng Dine, Kasibu, Nueva Vizcaya. 

Ayon sa ulat ng PNP-Kasibu, patungong Barangay Poblacion ang Elf nang biglang tumawid ang motorsiklo sa kalsada. Sapol sa likurang bahagi ang motorsiklo kaya tumalsik ang mga sakay nito.

Isinugod sa ospital ang sugatan na backrider pero idineklara itong wala ng buhay.

Ayon sa pulisya, nagkasundo naman umano ang magkabilang partido upang ayusin na lamang ang kaso.#