By: GIDEON VISAYA
Inaalam ngayon ang pananagutan ng kontraktor at ang responsibilidad ng DPWH makaraang bumagsak ng alas-otso ng gabi ang bahagi ng Sta. Maria-Cabagan Bridge sa Bayan ng Sta. Maria, Isabela nito lamang Huwebes, Pebrero-27.
Ayon sa mga awtoridad, dalawang buwan pa lamang nang matapos isailalim sa retro-fitting ang nasabing tulay at tanging mga maliliit lamang na sasakyan ang pinapayagang dumaan dito kapag may mga kalamidad.
Wala pang pahayag ang mga opisyal ng pamahalaang lokal at ng DPWH.
Mahigit limang taon na mula nang matapos ang konstruksyon ng nasabing tulay subali’t hindi ito ipinapagamit dahil sa di umano’y maling disensyo kaya kailangan itong i-retrofit.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng pagbagsak nito at kung may nasaktan sa insidente.
Ang nabanggit na tulay ay pinondohan noon ng higit 640-milyong piso para matapos at dinagdagan pa ito ng higit 200-milyong pisong pondo para ma-retrofit upang sana ay magamit na.#