Screengrab: MyCityPIO

CITY OF ILAGAN, Isabela-Kasalukuyan ngayon ang mga laro sa boksing sa amateur at propesyonal kabilang ang Silver Bantamweight Championship sa The Capital Arena na binansagang “Bakbakan sa Ilagan” ngayong Pebrero 8.

Main event ang laban nina Wesley Caga at Louie Jay Albino para sa  World Boxing Foundation Silver Bantamweight Championship.

Nabuo ang laban dahil sa Memorandum of Agreement na pinirmahan sa pagitan ng Pamahalaang Panlungsod at Elorde UKC Boxing Promotions. Kasama rito ang international partnership ng siyudad sa World Boxing Foundation.

Ayon kay City Mayor Jay Diaz, malaki ang tulong nito sa pag-unlad ng turismo at isports ang aktibidad.#

Screengrab: MyCityPIO
Screengrab: MyCityPIO