Patuloy pa ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa nawawalang lampitaw na MV Ren Zen 2 sa bayan ng Claveria na patungong isla ng Calayan, Cagayan.
Nasa pangatlong araw nang walang update kung saan napadpad ang sasakyang pandagat na umalis sa Claveria noong 4:30 ng umaga ng Miyerkoles (January 15) nguni’t di nakadaong sa takdang oras sa dalampasigan ng Dilam, Calayan.
Nalaman na ang 4-engine na lampitaw ay nagkarga ng bigas at pitong sakay nito kasama ang isang tauhan ng Phil. Coast na nagngangalang Francisco Maday. Kasama ni Maday ang anim na iba pa na kinilala sa kanilang pangalang Sammy Suarez, Regie Erial, Joel Nanay, Rolando Hidalgo, Benjamin Gutierrez at si Ernesto Duerme.
Walang contact ang mga kinauukulan sa pito bagaman umaasa ang mga itong nasa ligtas silang lugar at mahirap lamang ang komunikasyon.#