Courtesy of PNP Banaue/Jordan Banaue

Ulat ng BH Team/GIDEON VISAYA

ALFONSO LISTA, Ifugao-Bangkay ng nalunod na 6-anyos na batang lalake, natagpuan na sa ilog na bahagi ng Sitio Imbiya-ag, Cambulo, Banaue, Ifugao 10:50 ng umaga.

Natagpuan ang kanyang bangkay, 1.2-kilometro ang layo mula sa lugar kung saan siya nalunod.

Una nang nalunod noong Agosto 19 ng umaga ang biktima habang naliligo kasama ang mga barkada sa naturang lugar.

Napunta raw sa malalim na lugar ang biktima at tinangka nitong tumalon sa isang bato patungo sa isa pang bato pero nadulas at tinangay ng malakas na agos.

Nagtulungan ang mga search-and-retrieval teams mula sa pulisya, mga bumbero, MDRRMO at mga residente para mahanap ang katawan ng biktima. Pinaglalamayan na ang kanyang labi sa kanilang lugar.#