Timbog ang isang barangay kagawad na tinagurian din bilang isang high value target matapos itong mahuling nagbebenta ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Aparri, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si alyas “Budoy”, 46 taong gulang, walang asawa, Barangay Kagawad at residente sa nasabing bayan.
Nakumpiska mula sa supek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu at boodle money.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng mga otoridad at mahaharap ito sa kasong may paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.#