Courtesy: BLGU-Cabiseria 27

Patay sa pamamaril ang isang Barangay kapitan sa City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Avelino Quitola, 63 taong gulang at punong barangay sa Cabiseria 27, City of Ilagan, Isabela.

Ayon sa ulat, pauwi na sa kanyang bahay ang biktima sakay ng kanyang kolong-kolong nang pagbabarilin ito sa ulo at katawan ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem.

Sa ngayon ay patuloy parin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at malaman ang motibo sa pamamaril.#