(Courtesy:TCIO)

Nakiisa ang mga residente ng iba’t ibang Barangay ng Tuguegarao City sa pagsagawa ng Barkada Weekly Clean-Up Drive sa kanilang mga nasasakupan, upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa Lungsod at maiwasan ang kaso ng dengue.

Ito ay maliban pa sa ipinalabas na Executive Order No. 14A series of 2022 ni City Mayor Maila Ting-Que, kung saan ang lahat ng mga barangay ay dapat magsagawa ng clean-up drive tuwing ikalawa at ikaapat na Sabado ng buwan sa Lungsod ng Tuguegarao.

Bukod dito, hinihikayat din ni Mayor Maila na mahigpit na ipatupad ang 4o’clock Habit sa lahat ng mga barangay at paaralan sa lungsod.#