Hindi rin nakaligtas ang ilang mga food cart na hindi lang tinangay ng hangin kundi’y pinataob din ng bagyo gayon din ang samu’t saring mga puno na nakahambalang sa kalsada sa nasabing barangay.
Isa ang bayan ng Ballesteros sa mga lugar na sumailalim sa hagupit ng bagyong “Marce” kahapon.#