Sa pinakahuling update ng DOH Region 2 nitong ika-21 ng Setyembre, nasa Alert Level 4 status na ang buong rehiyon dos.
Ibig sabihin nito, na ang Cagayan Valley at ang mga lugar na nasa Alert Level 4 ay tumataas ang bilang ng aktibong kaso
at lampas 70 porsiyento na ang ‘utilization rate’ ng mga healthcare facility.
Samantala, nasa Alert Level 3 naman ang Batanes dahil tumataas din ang bilang ng aktibong kaso nito at mataas ang ‘utilization rate’ ng mga healthcare facility ngunit hindi lalampas ng 70 porsiyento.