Courtesy: Philrice-Isabela

Ayon sa mga pag-aaral, maraming masamang epekto ang pagsusunog ng dayami, tulad ng polusyon sa hangin at paglala ng climate change. Ngunit,

𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗦𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗮𝘆𝗮𝗺𝗶:

✅Nawawala ang nitrogen, phosphorus ng 25%, potassium ng 20%, at sulfur ng 5-60%.

✅Nasisira ang tirahan at pinagkukunan ng pagkain ng mga kaibigang insekto sa palayan.

𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗦𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗮𝘆𝗮𝗺𝗶:

✅Nadadagdagan nito ang nitrogen, phosphorus, potassium, sulfur, silicon, at carbon sa lupa.

✅Napapanatili ang sustansya at moisture ng lupa.

✅Nagagamit ito bilang organikong pataba upang makatipid sa abono.

Maaari ring gawing materyales sa pagpapatubo ng kabute (mushroom).

𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻: Sa tamang pamamaraan ng pamamahala ng dayami, napapanatili nito ang  produktibidad ng lupa at ani.#