Umaarangkada na ang North and South Luzon Regionals/NCR ng 2023 Baseball Little League Philippines Series sa Lungsod ng Ilagan ngayon na magtatapos sa Pebrero 12.


Isinagawa kanina ang parada at programa sa pagbubukas para mabigyang-pugay ang mga atleta sa North and South Luzon kasama na ang National Capital Region.


Ayon kay Mayor Josemarie Diaz, host LGU, ang pagwelcome sa mga bisita ay bahagi na ng tradisyon at patuloy daw nilang titiyakin ang peace and order sa kahabaan ng palaro.


Kinatatampukan ito ng halos 2,000 mga atleta at coaches na sasabak ng Pebrero 6 hanggang a-12 sa baseball at iba pang kasamahan.
Kabilang sa mga kasali ang mga bayan at siyudad ng Agoncillo, Antipolo, Dasmarinas, General Trias, Lipa, Marikina, Muntinlupa, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, Baguio, Tabuk City, Zambales, City of Ilagan, Cauayan City, Pasig, Smokey Mountain, Quezon City, Bulacan, Nueva Ecija East, Nueva Ecija West, at Taguig.#