Nagpupulong ang mga kasapi ng PDRRMC sa Batanes para sa paghahanda sa Bagyong Bising kamakailan.(Office of the Batanes Governor photo)

Ulat ni GIDEON VISAYA

BATANES –Mga kasapi ng Batanes Provincial Disaster Risk-Reduction Management Council, nagpulong para bilang paghahanda sa bagyong Bising.

Bagaman at di direktang tatama sa gitna ng Batanes, nakararanas naman ngayon ng pag-uulan, kulog at kidlat ang lalawigan pero naihanda na raw ang mga search and rescue equipment maliban sa mga nakaantabay na mga kawani.

Sa miting, sinabi ni Governor Jun Aguto na tiyaking “pro-active” ang preparasyon at aksyon daw kaya may 24/7 Operations Center na nakahimpil sa kapitolyo.#