Ulat ng BH Team
CAGAYAN–Ipinatutupad ng Philippine Coast Guard District North Eastern Luzon ang ‘No Sail Policy’ o pagbabawal sa paglalayag ng lahat ng sasakyang pandagat na may bigat na 250 gross tonnage (GT) pababa sa Isla ng Calayan simula ngayong Huwebes, Hulyo 3, 2025.
Batay sa inilabas na Sea Travel Advisory #01 ng Coast Guard, ang pagpapatupad ng ‘No Sail Policy’ sa naturang isla ay dahil sa banta ng masamang panahon dulot ng Low Pressure Area (LPA) at Southwest Monsoon na nakaaapekto sa buong bansa.
Ang mga sasakyang-pandagat lamang na may malinaw na dokumento at walang pasahero ang pinapayagang maglayag. Pinapaalalahanan din ng Coast Guard ang mga maglalayag na barko na magsagawa ng precautionary measures sa kanilang byahe at panatilihin ang komunikasyon habang sila ay nasa karagatan.#