Bilyonaryong negosyante na si Richard Branson, matagumpay na lumipad sa kalawakan gamit ang kanyang rocket spaceship. Sakay ng kanyang Virgin Galactic rocket spaceship, narating ni Branson ang dulo ng kalawakan mula sa Spaceport America.
Kasama ang dalawang piloto at tatlong mission specialists, narating ng sakay nilang VMS Eve, hango sa pangalan ng ina ni Branson, ang kalawakan na may walong milya.
Lumulutang-lutang ng apat na minuto sina Branson at mga kasama nito sa loob ng rocket bago umano dahan-dahan na lumapag sa landing site. Tuwang-tuwa si Branson kahit pa natengga sila ng 90-minuto bago ang biyahe sa kalawakan dahil sa masamang panahon.
Mahigit 17 taon raw ang ginugol para magawa ang rocket space ship ni Branson.#
https://twitter.com/i/status/1414289206717865984(Twitter courtesy of Richard Branson)