26.3 C
Isabela
Sunday, January 19, 2025
Home Blog

MULA SA ISELCO 2: POWER RATE UPDATE

0

Ipinapabatid ng ISELCO 2 sa mga member-consumer-owners ang pagbaba ng singilin sa kuryente na ipatutupad ngayong buwan ng Enero 2025. Php 8.3814/kwh para sa mga residential consumers, Php 7.1911/kwh sa Low voltage, Php 5.3254/kwh sa High voltage at Php 10.9665/kwh sa SPUG-Palanan.

Dagdag ng kooperatiba, kailangang patuloy pa rin ang aming paalala na mahalagang maging masinop at matalino sa paggamit ng kuryente.#

Apat na mga lungsod sa Lambak ng Cagayan, paparangalan sa natatanging programa sa mga bata                         

0
Courtesy: DILG Rehiyon DOS

Paparangalan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 2 ang apat na lungsod sa Lambak ng Cagayan.

Kabilang ang Cauayan City, City of Ilagan, Tuguegarao City at Santiago City.

May kabuuang 74 o79.57% mula sa 93 Local Government Units (LGUs) sa rehiyon ang pumasa sa Child-Friendly Local Governance Awards (CFLGA) 2024.

Nagpapakita rin ito ng pagtaas ng bilang ng mga pumasa na LGU mula 59 noong 2023 ay 74 nitong nakalipas na taong 2024.

Iginagawad ang CFLGA sa mga LGU na nagpapatupad ng mga programa at serbisyong pang-bata na naglalayong isulong at iangat ang kapakanan ng mga bata.

Gumagamit ito ng mga indicator na sumasaklaw sa pamamahala at sa apat na pangunahing karapatan ng mga bata, katulad ng kaligtasan, pag-unlad, proteksyon at pakikilahok. Ang mga pumasa ay pagkakalooban ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG).#

Courtesy: DILG Rehiyon DOS

In La Union, Residents Strive to Go Zero Waste

0
Courtesy: Provincial Government of La Union

Solid waste remains to be a key environmental challenge in today’s world. As local communities work towards progress and development, the production of solid waste inevitably increases.

The province of La Union, however, believes that this ecological issue can be addressed through the concerted efforts by the government, residents, the private sector, and all stakeholders, aligned to the spirit of La Union Probinsyanihan.

The Provincial Government of La Union (PGLU) through the leadership of Gov. Raphaelle Veronica Ortega-David has been implementing programs and projects that aim to foster community effort in reducing solid waste.

“January is Zero Waste Month, and this is a timely reminder to our KaPROBINSYAnihan to continue with our efforts to enjoin everybody in this environmental cause,” Gov. Ortega-David said. “Hence, we at the Provincial Government introduce innovations in our aim to go zero waste”, she added.

One such is the “Sukat Bukel” project, which literally translates to “exchange seeds.” Launched in 2019, La Union residents bring their scrap fruit seeds to the Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), and get kilos of rice in exchange.

“This has significantly reduced organic waste, which helped de-clog our landfills in the province,” said Environment Officer Analyn Valdez.

The PG-ENRO then uses the collected scrap seeds to maintain the provincial nurseries, where they grow various endemic tree seedlings such as narra, avocado, tamarind, and cacao.

In 2024, about 254 individuals participated in the project. “We collected over 1,100 kilos of different native forest and fruit seeds last year. In exchange, we dispensed more than two thousand kilos of rice,” Valdez said. Other participants opted to get tree seedlings such as calamansi and grafted rambutan, instead of rice.

“Given the number of the beneficiaries, we can say that the project is effective and we are keen to make it sustainable,” she added.

Most fruit seeds collected were Cacao, Guyabano, Atis, Mango, Pomelo, Jackfruit, and Guyabano.

On the other hand, the Provincial Government is also enforcing the 2023 Plastic Code of La Union as it gears towards making La Union a single-use plastic free province. This initiative aims to mitigate the negative effects of plastic on the environment and promote sustainable practices.

The ordinance imposed the ban of utilizing single-use plastics and polystyrene products in all business establishments in the province. Under the ordinance, it is prohibited to use plastic forks, spoons, cups, plates, straw, food containers and products made of styrofoam.

“We continue to intensify our information education campaign and we encourage our province mates to use alternatives to plastic,” Gov. Ortega-David emphasized.

With the increasing number of tourist arrivals in the province, the environment office focuses on maintaining cleanliness in the key tourist destinations and coastal areas.

The PG-ENRO in collaboration with the different local government units continue to monitor the giant trash bins installed in the popular destinations including the Urbiztondo surfing area in San Juan; Bilagan Road in Santol; Baluarte Watchtower in Luna; Immuki Island in Balaoan; San Carlos beach in Caba; and Agoo Eco Park.

“We underscore our thrust on environmental sustainability that is why we encourage our visitors and locals to properly dispose of their trash to preserve the beauty of our tourist spots,” Governor Ortega-David remarked.

As part of enhancing the province’s solid waste management, PGLU, in cooperation with a private sector namely Project Hope and Century Tuna’s Save our Seas Project,  launched the Palit Basura Program wherein residents exchanged their earned recyclable bottles and solid wastes to canned goods.

About 8, 639.35 kilos of polyethylene bottles and solid wastes were collected in the said program last year which benefited more than 400 beneficiaries in exchange of 10, 997 canned goods.

With these initiatives, PGLU proposes to develop more relevant programs and projects on the environment for the whole year to foster ecological preservation and environmental sustainability, ensuring a greener future for the next generations to come.#

SN Aboitiz Power provides additional benefits to Itogon indigenous communities

0

Renewable energy provider SN Aboitiz Power-Benguet, Inc. (SNAP-Benguet) has strengthened its commitment to the indigenous peoples (IP) communities of Itogon, Benguet, with the turnover of additional benefits to the Tinongdan Indigenous Peoples Organization (TINPO) on December 18, 2024, followed by the Itogon Indigenous Peoples Organization (IIPO) on December 23, 2024.

The additional benefits were shared based on a 60-40 split as agreed upon by the IPOs, with TINPO receiving 60%, amounting to PhP3,808,530.00, and IIPO receiving 40%, equivalent to PhP2,539,020.00.

SNAP-Benguet provided PhP5 million for special CSR projects for the first three years, which was allocated to the Tinongdan Indigenous Peoples Organization (TINPO) as agreed upon by both IP groups. For succeeding years, PhP1 million will be awarded to barangays as determined by the two IPOs.

The additional benefits – the result of direct negotiations between SNAP-Benguet and the IP organizations (IPOs) – are intended to help the IPOs implement development and capability-programs within their Ancestral Domain, preserve their cultural heritage, and support similar initiatives. This forms part of SNAP-Benguet’s long-standing partnership with the indigenous cultural communities that host the 140-MW Binga hydroelectric power plant. SNAP-Benguet has committed to providing the Itogon ancestral domain with approximately PhP10.3 million in total benefits annually starting in 2024.

“On behalf of the COELs [Council of Elders], we want to express our gratitude to SNAP for the support,” said TINPO Chieftain Norberto Pacio. “We now have the benefits that we have been waiting for.”

Mrs. Rosita Bargaso, IIPO Chair, said, “Salamat sa SNAP at sana ay magtagal pa ang magandang samahan nating dalawa. (We thank SNAP and hope our partnership lasts even longer.)”

SNAP-Benguet assumed ownership and operation of the Binga hydroelectric facility in 2008 through a successful privatization bid. Following this transition, the company conducted consultations with the IP communities, which culminated in an agreement to provide benefits through a corporate social responsibility program. To date, SNAP has provided PhP37.2 million in benefits to TINPO, reflecting the company’s commitment to fostering sustainable development and empowering its host communities while advancing renewable energy in the region.#

P28-milyon halaga ng marijuana bricks, nasabat sa Isabela

0
Photo courtesy of PNP R2

By: Gideon A. Visaya

ROXAS, Isabela-Dinakip ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang lalaki at nasamsam ang P28-milyong halaga ng pinatuyong marijuana bricks at rolyo sa isang checkpoint sa kahabaan ng national road noong Enero 14 bago maghatinggabi sa bayang ito, sinabi ng pulisya ngayong Miyerkules (Jan.15).

Inihayag ni Police Brig. Gen. Antonio Marallag Jr., Cagayan Valley regional police director, na inaresto ng mga pulis ang isang Rico at isang Jomel, kapwa 30-anyos ng Baranka Ilaya sa Mandaluyong City matapos silang makakuha ng 222 bloke ng marijuana brick na nagkakahalaga ng P26.64-milyon sa street value at 19 na pakete ng rolled dried marijuana na nagkakahalaga ng P2.28-million sa loob ng kanilang sasakyan.

“Ang mga checkpoint ay napatunayang instrumental tulad nito sa pag-iwas sa mga krimen. Sisiguraduhin natin na ang mga checkpoints sa buong rehiyon ay 24/7 ang pagbabantay lalo na sa panahon ng halalan,” dagdag ng heneral.

Pinara ng mga pulis sa Roxas ang SUV na minamaneho ni Jomel ngunit kumaripas ito ng patakbo sa sasakyan at tuluyang sumabit at nabangga ang isang police car.

Sa halip na huminto, pinabilis ng driver ang sasakyan at kalaunan ay nakorner sa isang hot pursuit operation sa kahabaan ng Centro sa bayan ng Mallig, Isabela.#

B𝐢𝐠𝐚 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚 𝐖𝐞𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

0
Courtesy:PLGU-Kalinga

Sa hakbang patungo sa pagpapalakas ng mga lokal na artisan at pagsusulong ng mga tradisyonal na sining, nakatanggap ang Biga Lagunawa Weavers Organization ng pinansyal na tulong na ₱500,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga.

Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng pangako ng gobyerno na suportahan ang mga programang pangkabuhayan na nag-iingat sa mga pamana ng kultura habang pinapalago ang kaunlaran sa rehiyon.

Ang pinansyal na tulong ay naglalayong pahusayin ang kultural sa sining ng mga lalawigan, na kilala sa kanilang napakagandang mga teknik sa pag-ukit ng mga tradisyonal at makukulay na tela. Ang pondo ay ilalaan para sa pagbili ng mga hilaw na materyales, pag-upgrade ng mga kagamitan sa pag-ukit, at pagbibigay ng mga workshop para sa pag-unlad ng kasanayan ng mga miyembro.

Bukod dito, layunin ng programa na pahusayin ang mga estratehiya sa marketing upang mapalawak ang kalidad ng kanilang mga produkto at mapanatili ang mapagkumpitensyang merkado.

Ang pakikipagtulungan na ito sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at mga grassroots na organisasyon ay sumasalamin sa isang pinagsamang pananaw ng pangangalaga sa kultura at pagpapalakas ng ekonomiya, tinitiyak na ang mga tradisyunal na sining tulad ng paghahabi ay patuloy na umunlad para sa mga susunod na henerasyon.#

Influenza-like illness, kumakalat          

0
Courtesy: DOH

Nagbabala ngayon ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng influenza-like illness (ILI) dahil sa malamig na panahon na dulot ng Northeast Monsoon o Amihan.

Maaaring magdulot ito ng pagtaas ng influenza-like illness at iba pang respiratory infections na kasalukuyang nangyayari sa bansa.

Ang ubo, sipon, at lagnat na nagpapahiwatig ng influenza-like illness (ILI) ay sanhi ng limang respiratory virus: Rhinovirus, Enterovirus, Influenza A, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Adenovirus.

Hinimok ang lahat na sundin ang “respiratory etiquette,” na kinabibilangan ng paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang mga sakit sa paghinga, pagtatakip ng bunganga kapag uubo, at pananatili sa bahay kapag nilalagnat, sinisipon, o inuubo.

Ang mala-trangkaso o influenza-like illness (ILI) na mga kaso ay umabot sa 179,227 noong Disyembre 31, 2024, ayon sa data na inilabas ng Department of Health. Ito ay mas mababa ng 17% kumpara sa 216,786 na kaso na naitala ng ahensya noong 2023.#

700 pulis, isinailalim sa drug test

0
Courtesy: Police Regional Office 2

Sumailalim sa drug testing ang nasa 727 na mga pulis mula sa iba’t ibang Police Provincial Offices, City Police Offices, at iba pang nakatalaga sa Regional Headquarters ng Police Regional Office 2 (PRO2) nitong Enero 2-7, 2025, ayon sa PNP Region 2.

Bahagi ito ng 2,649 na target para sa random drug testing, alinsunod sa PNP Internal Disciplinary Mechanism at PNP Revitalized Internal Cleaning Program.

Batay sa datos na inilabas ng Regional Intelligence Division at Regional Forensic Unit 2, negatibo ang resulta ng drug testing na isinagawa sa 156 personnel mula sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na sumailalim sa pagsusuri nitong Enero 2 hanggang 3 ngayong taon.

Hinihintay pa ang resulta ng drug test para sa iba pang personnel, kabilang ang 291 mula sa Isabela PPO, 99 mula sa Santiago City Police Office (CPO), 22 mula sa Quirino PPO, 88 mula sa Nueva Vizcaya PPO, at 71 mula sa Regional Headquarters (RHQ).

Tiniyak ninPRO2 Regional Director PBGen. Antonio P. Marallag, Jr. ang dedikasyon sa paglaban sa ilegal na droga at pagtiyak na mananatiling tapat ang lahat ng kapulisan sa rehiyon sa kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas.

Hindi raw kukunsintiin ng kanyang liderato ang sinumang pulis na magpopositibo sa pagsusuri at kung sakaling matukoy sa paggamit ng iligal na droga ang isang personnel ay iimbestigahan at mahaharap sa kasong administratibo.#

‘’Any police officer who will test positive for illegal drug use will undergo a confirmatory test; if the results are positive, they will be subjected to a thorough investigation and face an administrative charge. I will not tolerate anyone breaking the law, especially in relation to RA 9165,” pahayag ng direktor.#

DA-BFAR 2, naglagay ng mga fingerlings ng Bangus sa Manamtam Salt Spring

0
Courtesy: DA-BFAR 2

Noong Enero 8, 2025, matagumpay na naglagay ng mga fingerlings ng Bangus (milkfish) ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 sa bagong natuklasang Manamtam Salt Spring sa pamamagitan ng kanilang Fisheries Production and Support Services Division sa pakikipagtulungan sa Provincial Fishery Office (PFO) ng Nueva Vizcaya.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap na itaguyod at mapanatili ang aquaculture. Ang inisyatibang ito ay nagsisimula ng isang pilot project upang imbestigahan ang mga posibilidad ng aquaculture sa salt spring.

Bilang karagdagan sa pagtukoy ng pinakamahusay na mga kondisyon para sa pag-unlad at kaligtasan ng Bangus, susuriin din ng inisyatibang ito ang posibilidad ng paggamit ng lugar para sa pag-aalaga ng isda.

 Kung magiging matagumpay ang pilot program, maaari itong magbukas ng pinto para sa mas malalaking operasyon ng aquaculture, na magpapalakas sa lokal na ekonomiya at magpapabuti sa pamumuhay ng mga komunidad sa paligid nito.#

Top 9 most wanted, timbog                    

0
Courtesy: PNP-Isabela

DINAKIP ng mga pulis ang isang lalaki na itinuturing na Top 9 Most Wanted Person sa Lambak ng Cagayan dahil sa mga kinakaharap na krimen.

Kinilala ang suspek sa alyas “Empleo” na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa mga kasong Attempted Rape at dalawang bilang ng kasong Statutory Rape.

Nasakote ang suspek ng pinasagsanib na pwersa ng mga otoridad sa pangunguna ng San Manuel Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), at iba pang hanay ng kapulisan dakong 1:30 ng tanghali ngayong araw, Enero 9, 2025 sa bisa ng arrest warrant na  ipinalabas ng hukom ng RTC, Branch 23, Roxas, Isabela.

Nasa Php120,000 ang piyansa na inilaan para sa kaso nitong Attempted Rape para sa kanyang pansamantalang paglaya habang wala namang piyansa ang kanyang kasong Statutory Rape.

Ang suspek ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng San Manuel PNP para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.#