Walong halfway houses para sa mga dating rebelde, bukas na
Bukas na ang mga pinto ng walong halfway houses na ipinatayo ng Northern Luzon Command (NOLCOM) para sa mga nagbalik-loob na mga dating rebelde sa hilagang Luzon.
Matatagpuan ang mga halfway house sa Bantay, Ilocos Sur; Laoag City, Ilocos Norte; Burgos, Pangasinan; Lallo, Cagayan; Cabaruguis, Quirino; Lagangilang, Abra; Bontoc, Mt. Province; at Tabuk City, Kalinga.
Ang mga nasabing bahay ay may kapasidad na maaring tuluyan ng 271 former rebels. Mayroon na ring amenities at mga muebles, at kompleto na rin sa kuryente at tubig.
Nasa 11 na halfway houses ang inaasahang maipatayo sa Northern Luzon kung saan ang tatlo pang natitira ay kasalukyan na rin ang konstrukyon nito.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command Chief, Lieutenant General Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr., ang halfway houses ay napapanahon dahil dumarami na rin ang nagbabalik-loob sa pamahalaan sa mga rebelde.
Pinasasalamatan rin niya ang mga Local Government Units na responsible sa para mapabilis ang construction ng mga halfway houses.
“The timely completion of the halfway houses is a welcome development in the government’s fight against the communist terrorists.
I commend the local government units and partner agencies responsible for the speedy completion of the projects, as it manifest their strong desire and unwavering commitment to end local communist armed conflict in their respective locality.”
Ang pagtatayo ng mga halfway houses ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na magsisilbi ring lugar para sa livelihood training at psycho-socio debriefing ng mga former rebels.
Layunin din nito na mapagkalooban ng ligtas na temporary shelter ang mga former rebels at kanilang pamilya bago makabalik sa lipunan.
Samantala, sa report ng NOLCOM, nasa 602 former rebels mula sa Northern at Central Luzon ang nagbalik loob sa pamahalaan mula noong Enero -1 hanggang Setyembre -5 ngayong taon.
(Image courtesy: Northern Luzon Command, AFP)
Tingnan: Update sa disgrasya sa Nueva Vizcaya (Courtesy DPWH Nueva Vizcaya 1st DEO Dist. Engr. Marifel Andes)

TINGNAN Simula Septyembre 17, 2021 hanggang Septyembre 24, 2021, ang Cauayan District Hospital ay limitado lamang sa pagtanggap ng emergency cases dahil sa kasalukuyang contact tracing at malawakang RT-PCR testing.
Simula Septyembre 17, 2021 hanggang Septyembre 24, 2021, ang Cauayan District Hospital ay limitado lamang sa pagtanggap ng emergency cases dahil sa kasalukuyang contact tracing at malawakang RT-PCR testing. 13 sa mga empleyado ay nagpositibo sa naunang RT-PCR test at 14 na empleyado ang nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.
Patuloy parin ang operasyon ng Admin. Office, Laboratoryo at Pharmacy para magbigay ng serbisyo. Courtesy:Isabela PIO
Parke na May Libreng Internet Access Para sa Mga May Online Class, Patok
Binuksan na ng Sangguniang Kabataan ng Annafunan East sa Tuguegarao city, Cagayan ang Barangay Recreational Park nito para sa mga mag-aaral na may online classes.
Ayon kay SK Chairperson Gerald Valdez, ang nasabing parke ay may libreng access sa internet na maaaring gamitin ng mga mag-aaral sa kanilang barangay para sa kanilang mga online class.
Pinapaalalahanan naman ni Valdez na obserbahan lamang ang mga minimum health protocols.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng Libreng ORAS o Online Research Access for Students ng SK.
(Larawan mula kay Gerald Valdez)
251 pamilya sa isla ng Calayan, makakatanggap ng tig-P5k mula sa DSWD bilang tulong pinansyal kasunod nang pananalasa ng bagyong “Kiko”
Makakatanggap ng tig-P5,000 na tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 02 ang 251 na pamilya sa isla ng Calayan na naapektuhan dahil sa bagyong “KIKO”.
Ito’y sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in crisis situations (AICS) ng DSWD Region 2 kung saan ang pondo ay mula sa Office of the President sa pamamagitan ng inisyatibo ni Sen. Bong Go.
Mula sa nasabing bilang ng mga benipisaryo, una nang nakatanggap ang 20 pamilya ng nasabing tulong matapos ang isinagawang validation ng mga social workers sa lugar.
May kabuuang P100,000 ang naipamahagi ng naturang ahensya sa mga nasabing pamilya.
Ang natitira namang 231 na benipisaryo ay nakatakdang mabibigayn ng cash assistance ngayong linggo sa ilalim ng Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) Program at Social Pension Program pay-outs.
Naging katuwang ng DSWD-Region 2 sa pangunguna ni Regional Director Joel Espejo sa naturang aktibidad sina Provincial Administrator Darwin Sacramed na siya head ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Office of Civil Defence (OCD)Regional Director Harold Cabreros.
Una ring nagsagawa ang grupo ng aerial visit sa isla para makita ang iniwang pinsala ng bagyong “kiko” kung saan batay sa pinakahuling datos ng Cagayan-PDRRMO umaabot na sa P31,673,721 ang halaga nang iniwang pinsala ng bagyo sa mga ari-arian ng mga residente sa isla.(Courtesy:CPIO)
Covid-19 Update | As of September 15, 2021
kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 841 na gumaling at 30 ang naitalang namatay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 10.32% (9,021) ang aktibong kaso, 86.62% (75,674) na ang gumaling, at 3.01% (2,630) ang namatay.
Baggao Covid-19 Update as of September 15, 2021
Aktibo a kaso ditoy Baggao, bimmaban iti 339; pakadagupan ti natay, nanayonan pay iti maysa
Nakissayan pay ti 31 dagiti aktibo a kaso ditoy Baggao kontra iti tallo la a nainayon ita nga aldaw isu nga agdagupen iti 339 ti pakadagupan ti aktibo a kaso ditoy ili, Septiembre 15.
Adda met nairekord a maysa a pimmusay manipud idiay Zone 5 ti Alba. Kas makita iti rekord, nabayagen a zero ti kaso ti Alba. Kuna ni Sir Jayson Mallo, MESU, a na-swab test ti biktima idi pimmusay ket gapu ta reactive ti antigen test na, dimmalan pay garud daytoy iti RT-PCR ken sada laeng naawat ti resulta na idi kalman.
Agdagupen ti 115 ti pimmusay ditoy Baggao mainaig iti COVID-19.
Dagiti barbaro a kaso ket naggapu manipud kadagiti sumaganad a barangay:
1. Asassi – 1
2. Bunugan – 1
3. San Jose – 1
Dagiti met barbaro a naglaing ket manipud met kadagiti sumaganad a barangay:
1. Annayatan – 1
2. Barsat East- 1
3. Bitag Grande – 1
4. Hacienda – 7
5. Imurung – 5
6. Lasilat – 1
7. Mocag – 1
8. Nangalinan – 1
9. Poblacion – 1
10. San Francisco – 2
11. San Jose – 6
12. Tallang – 4
(Courtesy:Baggao Information Office)