29 C
Isabela
Tuesday, February 18, 2025
Home Blog Page 3

Mahigit 10M na halaga ng kagamitang pang-agrikultura ipinagkaloob sa mga magsasaka ng Cagayan Valley

0
Courtesy: DA Region 2

Ipinagkaloob sa mga magsasaka at mangingisda ng Cagayan Valley sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) ang mga kagamitang pang-agrikultura na nagkakahalaga ng 10,354,000 milyong piso sa iba’t ibang Farmers and Fisherfolk Cooperatives and Associations (FCAs) sa buong Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Ginanap ang seremonya sa Southern Cagayan Valley Research Center Annex sa Maguirig, Solana, Cagayan at dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa limang FCAs, kabilang ang Tapao Agriculture Cooperative, Sanguit Upland Farmers Multi-Purpose Cooperative, Aritao Irrigators Multi-Purpose Cooperative, Women’s Garlic Onion Growers Association Inc., at Paraiso United Farmers Association.

Ilan sa mga ipinamahagi ay isang 4-wheel drive na traktora na nagkakahalaga ng PHP 1.6 milyon apat na hauling truck na nagkakahalaga ng PHP 2,188,500 at mga input pang-agrikultura na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura sa rehiyon.

Kinakatawan si Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino, hinikayat ni RTD Kay S. Olivas ang mga kooperatiba na pangalagaan ang mga ibinigay na kagamitang pang-agrikultura. “Umaasa kami na hindi ninyo ito titingnan bilang isang bagay na ipinapataw sa inyo kundi bilang tunay na pangangailangan ninyo. Marami ang nangangailangan, at kayo ay pinalad na mapili,” saad nito.

Ang mga kinatawan mula sa mga FCA, kabilang sina Gng. Dominga Tibingen ng Cagayan, Gng. Joselyn Agcaoili ng Nueva Vizcaya, G. Bonnevie Dumayan ng Quirino, at G. Jessie Ligue ng Nueva Vizcaya, ay nangako na gagamitin at pahahalagahan ang suporta mula sa gobyerno sa abot ng kanilang makakaya.#

Dalawang babae na suspek sa benta slot paluwagan o “turns-turns”, kalaboso

0
Courtesy: Police Regional Office 2

Kalaboso ang dalawang babae sa bisa ng warrant of arrest sa isang kaso ng Syndicated Estafa sa Cabalza Street, Barangay Atulayan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang Top Most Wanted Person sa Rehiyon na numero 8 ay si “Rachelle”, na 31 anyos at residente ng lugar; at ang Top Most Wanted Person sa Rehiyon na numero 10 ay si “Cecil”, na 40 anyos, at aktibong miyembro ng PNP.

Ang mga akusadong ito ay nauugnay sa benta slot paluwagan, na kilala rin bilang “turns turns.” Ang Benta Slot Paluwagan ay pinamamahalaan nina Isabel Quizzagan Articulo at Virgilio M. Articulo, JR. Habang sina Pauline Quizzagan Mabbun, Christine Joy Quilang Quilang, at Mariel Quizzagan Quizzagan ay nagtatago sa batas at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Ang modus operandi ng mga suspek ay nagpapatakbo at nangongolekta ng pera mula sa mga nahikayat na mamimili sa pamamagitan ng pagpapapanggap na sila ay nagtatrabaho sa isang lehitimong negosyo.

Ang mga biktima ng scam na ito ay papangakuan ng mataas na pay-out, o return of investments na 50% hanggang 200% ng return of investment bawat buwan depende sa mga slot na kanilang nabili sa pamamagitan ng pagpo-post sa Facebook at personal meet-up sa kanilang tirahan.

Ang operasyon ng manhunt ay isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 2 at mga opisyal ng pulisya ng rehiyon 2.#

Limang Asian box turtles, pinakawalan sa Cagayan

0
Courtesy: DENR-Region2

Limang Asian box turtle ang pinakawalan pabalik sa ilog sa Santa Margarita, Baggao, Cagayan noong Linggo na kasabay ng World Wetlands Day, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources-Cagayan Valley sa isang huli na ulat noong Martes.

Nauna rito, isinuko ang mga pagong sa Alcala at Solana community environment offices, na kalaunan ay inilipat ang mga ulo sa DENR-Region2-Rogelio Baggayan Nature Park and Wildlife Center sa lungsod na ito para sa tamang pangangalaga at paggamot.

Sinasabi ng mga environmentalist na ang Asian box turtles ay nagpapakalat ng mga buto sa pamamagitan ng mga prutas at iba pang mga halaman sa kagubatan na kanilang kinakain at ang pagkilos upang palayain ang mga ito ay maaaring mapanatili ang balanse sa ecosystem at mapataas ang rate ng pagtubo ng mga buto sa pamamagitan ng kanilang mga dumi.

Ang nasabing mga pawikan ay nakalista bilang “other threatened species” sa updated list of fauna sa bansa.#

Novo Vizcayano feted for topping architects’ exam      

0
Courtesy: PLGU NV

NUEVA VIZCAYA- Architect Ckristel Jansenn L. Daguio of Aritao town recently topped the Architecture Licensure Exam held on January 21 and 23, 2025.

Daguio, a Cum Laude graduate from the University of the Philippines Diliman would  receive P200,000 from the Nueva Vizcaya provincial government as incentive for her outstanding achievement through the Topnotchers Incentive Ordinance.

Accompanied by her parents Architect Roderick and Engineer Maryjane Daguio during their courtesy visit to Governor Jose Gambito, she was also offered a job at the provincial government which she has yet to accept. The Topnotchers Incentive Ordinance gives recognition and perks to Novo Vizcayanos with outstanding achievements.#

DOLE, nagbigay ng 1M livelihood assistance sa Muslim Community sa Tuguegarao City

0
Courtesy: DOLE Region 2

Tuguegarao City—Sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagbigay sa Tuguegarao City Vendors Association ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng 1 milyong PHP upang suportahan ang ekonomiya ng komunidad ng mga Muslim sa lungsod.

Layunin ng tulong na ito na mabigyan ang 51 miyembro ng asosasyon ng pagkakataong magsimula ng kanilang sariling negosyo. Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng mga kagamitan para sa negosyong Rice Retailing—isang hakbang upang mapatatag ang kanilang kabuhayan.

Ayon sa director ng DOLE Region 2 na si Jesus Elpidio B. Atal Jr., ang programang ay isang patunay ng suporta ng pamahalaan sa lahat ng uri ng lipunan, anuman ang kanilang kultura at pinagmulan.

“Nais kong maramdaman ninyo (Muslim community) na hindi kayo iba sa amin. Kayo ay bahagi ng aming pamilya dito sa Cagayan. Suportado kayo ng gobyerno sa inyong hangaring umunlad,” dagdag niya.

Si Omar Usman, isa sa mga benepisyaryo, ay lubos na nagpapasalamat.

“Napakalaking tulong sa akin ng bigasang ito. Maliban sa kita ko sa pagkukumpuni ng cellphone, may buwanang kita pa akong maaasahan mula rito. Makakabili rin ako ng bigas sa mas murang halaga para sa aming pamilya. Hindi na ako mahihirapan sa pagpapaaral ng aking anim na anak, lalo na sa nalalapit na pagtatapos ng aking anak sa kolehiyo,” pasasalamat ni Omar Usman, miyembro ng asosasyon.

Sa pagsisikap na itaguyod ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba sa kultura at paniniwala, patuloy ang pagsisikap ng DOLE na magbigay ng kita sa iba’t ibang sektor ng lipunan.#

1M na halaga ng marijuana, sinira sa taniman sa Tinglayan, Kalinga

0
Courtesy: PNP-Kalinga 1st PMFC

Isang milyong piso na halaga ng marijuana, sinira sa taniman sa Tinglayan, Kalinga.

Sa ulat ng PNP-Kalinga Provincial Office, natagpuan ang limang ektaryang marijuana plantation sa Barangay Loccong sa bayan ng Tinglayan sa pamamagitan ng mga kasapi ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan police, Provincial Drug Enforcement Unit ng  Kalinga police, PDEA Kalinga at R-PSB Team.

Dinokumento ang mga sinirang marijuana at tsaka sinunog at nag-uwi ang mga kasapi ng awtoridad ng ilang samples para sa kustodiya at pagsusuri.

Walang nakitang nagbabantay sa lugar.#

Punong barangay na may nakabinbin na kasong pagpatay, nahuli sa pagbebenta ng shabu at pagmamay-ari ng illegal na baril

0
Courtesy: PDEA-Region 2

Dinakip ang 39-anyos na barangay kapitan ng Santa Isabel Sur sa pamamagitan ng mga operatiba ng pulisya at PDEA matapos itong masamsaman ng baril at shabu sa buy-bust operation sa Barangay Cabisera 14-16, City of Ilagan, Isabela kahapon, Pebrero 2, 2025.

Kulong si Barangay Kapitan Joseph Uy, 39-anyos na pinuno ng Santa Isabel Sur na nasa kustodiya na ng PNP Ilagan habang inaantay ang paglilipat sa kanya sa korte at ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, Illegal Firearms Law, Comelec gun ban at ang una na niyang kaso na murder.

Hindi siya nagpaunlak ng panayam sa media.

Kahapon, nasamsam sa kanya ang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800; buy-bust money na P6,000, isang 9mm na baril, siyam na mg bala at ang kanyang sasakyan na puting SUV.

Una rito, kinasuhan ng murder noong Enero ngayong taon si Uy makaraang barilin nito ang kabarangay habang sila ay nag-iinuman.#

 

Courtesy: PDEA-Region 2

GULAY AT PRUTAS NA AYUDA, MULING UMARANGKADA

0
Courtesy: DA-RFO2-AMAD02

Muling nagsimula ngayong 2025 ang DA-Agribusiness & Marketing Assistance Division (AMAD) sa kanilang pagpapadala ng maititindang mga gulay at prutas upang suportahan ang mga Kadiwa ng Pangulo initiatives ng mga local na pamahalaan.

Kamakailan, inihayag ni Agribusiness & Marketing Assistance Division Chief Saih Paccarangan ng DA-Region 2 na umaabot sa halos 1,700-kilogram ng gulay ang kanilang ipinadala sa ibang ibang LGU sa rehiyon bilang bahagi ng Food Mobilization Initiative ng AMAD.

Inamin din ng AMAD Chief na m alaki rin ang maitutulong ng mga binuong councils katulad ng mango at coffee councils dahil may kakayahan silang makapaghatid ng projections ng kailangan ng kani-kanilang negosyo. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng inisyal na kaalaman ang magsasaka sa kung saan ang merkado ng kanyang produkto.# 

Dump truck driver, patay sa pamamaril sa Cauayan City

0
Courtesy: PNP Cauayan City CPS

Patay on the spot ang isang dump truck driver makaraang pagbabarilin ng di-kilalang suspek sa bahagi ng kalsada sa Barangay Minante Dos, Cauayan City.

Kinilala ni Police Lt. Col. Ernesto Nebalasca Jr., Cauayan City police chief, ang biktima na si Ariel Lorenzo, nasa wastong gulang ng Villa Luna, Cauayan City.

Tumakas ang suspek na nakabull cap, nakadyaket ng itim at nakashorts ng puti matapos siyang pagbabarilin sa ulo at katawan.

Ayon sa pulisya, wala pa silang gabay sa pagkakakilanlan at motibo sa pamamaril dahil nagluluksa pa ang mga kaanak ng biktima.

Gayunman, tinututukan raw nila ang mga posibleng persons of interest at ang anggulong personal hinggil sa pamamaril.#

Nagpanggap na pulis, arestado sa Bagabag, Nueva Vizcaya

0
Courtesy: NVPPO

Dinakip ang isang lalaki na nagpanggap bilang pulis sa Purok 4, Barangay Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Police Maj. Nova Lyn Aggasid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya PPO, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Roy”, 31-anyos, at residente ng Barangay Macabebe, Pampanga, matapos itong ireklamo ng biktimang si alyas “Jaja”, 33-anyos, at nakatira rin sa nabanggit na barangay.

Sa pahayag ng biktima, nagpakilala umano ang suspek sa kanyang bilang tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) at nagpakita pa umano ito ng PNP ID upang makahiram ng pera.

Matapos ang ginawang pag-uusap ay inamin rin ng suspek na hindi talaga siya tunay na pulis dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Dinala ang suspek at ang nakuhang PNP ID sa himpilang ng Bagabag Police Station (PS) para sa dokumentasyon at mahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (RPC) para sa Usurpation of Authority.#