Courtesy: LGU-Ilagan PIO

CITY OF ILAGAN, Isabela–Kasalukuyan ngayon ang ILAGAN BLOOD DEPOSITORY SYSTEM o IBLOODS blood letting activity sa siyudad.

Nagsimula ngayong Enero 30, 2025 ang Blood Letting Activity at magtatapops hanggang Ikaw-31 ng Enero 2025.

ANG nasabing programa na inilunsad ni Mayor Jay Diaz sa nakaraang mga taon at nagpapatuloy taun-taon ay naglalayong makakuha Ng dugo upang makasagip ng buhay sa kababayang nangangailangan ng dugo.

Ito ay regular na isinasagawa ng siyudad  tuwing ikatlong buwan at boluntaryong nagbabahagi ng dugo ang ibat-ibang barangay, non-government organizations, line agencies at iba pa.#