Ulat ng Balitang Hilaga Team

TUGUEGARAO CITY-Sa huling araw ng kampanya ngayong Mayo 10, nag-ikot sa Cagayan at Isabela si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at kabilang sa kanyang mga ibinida ang planong panukala na ibaba sa 56 ang edad ng senior citizens para sa mas maraming benepisyo.

Sa panayam ng media sa Tuguegarao City airport bago siya umikot sa kabayanan para sa motorcade, inihayag ni Revilla na mas makatutulong ito sa mga senior citizens dahil sa mga mas maagang benepisyo.

“At the age of 56 ang dami nang nagrereklamo, 56 palang senior na ako, maagang benepisyo, 40 years old ka palang eh nag ma-maintenance ka na, so at least makakuha o maka avail na sila kahit 10%, sabihin mo yung senior talaga 20% yung sa sabihin natin junior citizen eh 10%, yan po ang number 1 na isusulong ko pagbalik ko,” ayon sa senador.

Pagkatapos ng pag-iikot niya sa lungsod ng Tuguegarao ay sumama rin siya sa motorcade sa ilang mga bayan sa Isabela.#