Namatay  ang  isang  tricycle  driver  matapos  makasalpukan ang puting  closed van-type/pick-up na sasakyan sa national  highway ng Barangay Gosi  Norte, Tuguegarao  City  kahapon (Agosto 9)  ng 3 pm.

Dead  on the  spot  ang   biktimang  si  Tomas Quindatan , 55  anyos na  residente   ng  Zone  5  Ballad  Street, Tanza, Tuguegarao City.

“Mabait siyang tao. Aksidente talaga,” ayon kay Domingo Liggayu, kasamahang drayber ni Quindatan, sa panayam ng Balitang Hilaga.

Pauwi  na si Quindatan  na  naghatid  ng pasahero  ng  salpukin siya   ng  kasalubong  na  pick-up  na  may  plakang BAA-4644  na  minamaneho  ni Carl  Asuncion, 22  anyos, walang  trabaho  at residente  ng Lingu, Solana, Cagayan.

Sinakop  umano ni Asuncion  ang lane  ng kasalubong  na tricycle  na  dahilan  ng  head  on collision.

Napatunayan  sa  resulta  ng alcoholic  breath test kay Asuncion na nakainom  ito  ng alak  ng  mangyari ang malagim  na  aksidente.  

Pansamantalang  nakakulong si  Asuncion  sa   piitan ng PTU Don Domingo  at naisampa na ang kasong Reckless Imprudence  Resulting to  Homicide  and  Damage  to  Property.#