Nasa maayos na kalagayan na ang isang ginang matapos tulungan ng isang pulis sa Cauayan City, Isabela, na manganak sa loob ng isang tricycle.

Agad tumulong si Police Corporal Jefferson Gannaban nang paanakin niya ang isang ginang nanakasakay sa tricycle sa bahagi ng Don Jose Canciler, Cauayan City.

Si Gannaban ay naka-duty sa kanto Cabatuan partikular sa Brgy San fermin sa nasabing lungsod nang tawagin siya ng isang lalaki kaugnay sa panganganak ng naturang ginang.

Nataon na si Police Corporal annaban ay isang registered nurse dahilan upang hindi na nag dalawang isip upang tulungan ang ginang na noon ay nanghihina na.

Ligtas at matiwasay naman na lumabas ang bata at agad nadala sa hospital ang mag ina.

(Courtesy:PNP-Cauayan City photos)