Naitala ang 300 panibagong aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Cagayan mula sa 23 lugar nito ayon sa datos ng PESU kahapon (Sept. 6).
Ayon sa ulat ng Cagayan information office, nagmula ang pinakamalaking datos ng nagpositibo ngayon sa bayan ng Lal-lo na umabot sa 40. Dahil dito, umakyat sa 168 ang aktibong kaso ng naturang bayan.
Ang lungsod ng Tuguegarao ay nakapagtala naman ng panibagong 38; 34 sa bayan ng Baggao; 24 sa Iguig; 23 sa Gonzaga.
Samantala, ang bayan ng Baggao na kasalukuyan ding nakasailalim sa ECQ ay nakapagtala ng anim na Covid-19 deaths ngayong araw, habang tig dalawa naman sa Buguey, Peñablanca, Solana, at Tuguegarao City, at tig-iisa sa mga bayan ng Allacapan, Ballesteros, Gattaran, Lal-lo, Rizal, at Tuao. Sa kabuuan, umabot sa 20 ang nasawi sa virus ngayon sa lalawigan.
Nanatili naman sa 341 ang naka-home quarantine sa Tuguegarao City; 35 sa Claveria; 32 sa Baggao; 27 sa Solana; tatlo sa Lal-lo at Sto. Niño; dalawa sa Allacapan at isa Sa bayan ng Abulug.
Sa ngayon, mayroon pang 4,529 na aktibong kaso ang binabantayan ng probinsya sa 29 lugar nito, habang may 354 naman ang gumaling ngayong araw mula sa nasabing sakit.@admin