32 NASAWI SA COVID-19 SA CAGAYAN; PANIBAGONG KASO NAITALA SA 513 NGAYONG SETYEMBRE-08
Muling umakyat sa 32 ang bilang ng namatay ngayong araw sanhi ng Covid-19 sa lalawigan ng Cagayan dahilan para pumalo na sa 1,099 ang death toll ng lalawigan ngayong ika-8 ng Setyembre.
Ang anim sa mga nasawi ay nagmula sa Tuguegarao City na nanatiling epicenter ng virus sa buong Rehiyon Dos.
Mayroon ding apat na nasawi ngayong araw sa bayan ng Baggao kung kaya’t umakyat na rin sa 100 ang total death case ng naturang lugar; tatlo naman ang nasawi sa bayan ng Alcala; tig-dalawa mula sa Camalaniugan, Rizal, at Peñablanca; tig-isa naman sa mga bayan ng Abulug, Allacapan, Ballesteros, Buguey, Claveria, Gattaran, Iguig, Lal-lo, Lasam, Sanchez Mira, Sta. Ana, at Sta. Teresita.
Samantala, lahat ng bayan at lungsod ng lalawigan ay nakapagtala ng panibagong kaso ng Covid-19 ngayong Miyerkules. Isa na rito ang isla ng Calayan na pumalo na sa 50 ang aktibong kaso matapos madagdagan ng 29 ngayong araw.
Ang bayan naman ng Amulung ang nakapagtala ngayon ng pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa virus sa bilang na 73. Sinundan ito ng Tuguegarao na 72 karagdagang aktibong kaso din; 51 sa Sta. Ana; 33 sa Gonzaga; 26 sa Allacapan; 24 sa Pamplona; 23 sa bayan ng Peñablanca.
Sa kabilang banda, umabot naman sa 306 ang mga pasyenteng naka home quarantine sa lungsod ng Tuguegarao, habang bumaba naman sa 54 sa bayan ng Claveria; 49 sa Alcala; 27 sa Solana; 15 sa Baggao;tig-tatlo sa Lal-lo at Sto. Niño; siyam sa Allacapa; isa sa bayan ng Abulug. Sa ngayon ay 467 pa ang naka-home quarantine sa lalawigan.
Sa kabuuan ay mayroong 4,687 ang binabantayang aktibong kaso ng Cagayan, habang 386 naman ang gumaling.