Sa nakalipas na 17 araw ng Setyembre halos hindi bumaba sa 20 ang bilang ng nasasawi sa Covid-19 sa isang araw sa buong Cagayan, dahilan para maitala ang 456 na namatay ngayong buwan base sa datos na inilalabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).
Kaugnay nito, kada-araw ay humigit kumulang 70% ng lugar sa lalawigan o may katumbas na 20 lugar ang araw-araw na nakapagtatala ng nasasawi sa Covid-19.
Ngayong buwan lamang, anim na beses nakapagtala ng mahigit 30 casualty sa isang araw ang probinsya at tanging ang isla ng Calayan ang magpa-hanggang sa ngayon ang walang naitatalang namatay sa Covid.
Ngayong araw, apat ang napabilang na nasawi sa virus mula sa Aparri; tatlo mula sa bayan ng Buguey, Camalaniugan, at Solana; dalawa sa Baggao, Iguig, Rizal, at Sto. Niño; isa sa mga bayan ng Ballesteros, Enrile, Gonzaga, Lal-lo, Panplona, Sanchez Mira, Sta. Ana, at Tuguegarao City. Sa kabuuan mayroong 30 death cases ang naitala ng PESU sa lalawigan.
Samantala, 553 na panibagong kumpirmadong kaso ng virus ang naidagdag ngayong Biyernes kung saan nanguna muli ang Tuguegarao City na nakapagtala ng 108 kaso ng virus. Pumangalawa ang bayan ng Amulung na nakapagtala ng 52 bagong aktibong kaso; 45 sa bayan ng Sta. Teresita; 40 sa Peñablanca; 38 sa Iguig; 36 sa Baggao; 32 sa Aparri; 29 sa Sto. Niño; 27 sa Solana; 25 sa Lal-lo; 21 sa Camalaniugan.
Mahigit 600 pa rin ang home quarantined patients sa Cagayan na kinabibilangan ng 298 mula pa sa Tuguegarao City; 137 sa bayan ng Alcala; 30 sa Claveria; 36 sa Sta. Ana; 31 sa Baggao; 27 sa Solana; 19 sa Abulug; 13 sa Lal-lo at Allacapan; walo sa Sto. Niño; isa sa bayan ng Lasam.
Ito ay sa kabilaa pa rin ng paghingi ni Gob. Mamba na buksan na ang mga Barangay Isolation Unit sa mga lugar sa Cagayan para maiwasan na ang hawaan ng virus sa loob ng tahanan.
Sa ngayon, umabot na sa 4,889 ang total active cases sa lalawigan, habang 477 naman ang napaulat na gumaling. (Courtesy:KANE MANAOAT/CPIO)