Photos Courtesy: Ser Renz

SANTIAGO CITY-Panalo ang Cagayan sa basketball secondary boys’ category matapos masungkit ang ikalawang panalo sa nagpapatuloy na laban sa pagitan ng iba’t ibang mga koponan sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2025 sa Santiago City.

Dinomina ng Cagayan ang mga manlalaro ng Quirino sa score na 88-73.

Binubuo ng mga manlalaro mula sa Gonzaga National High School at pinalakas pa ng tatlong imports mula sa Our Lady of Victories Academy sa bayan ng Amulung at sa Lyceum of Tuao sa Cagayan. Una nang nanalo ang Cagayan laban sa host na Santiago City kahapon, Abril 23, 2025.#