Nagpakitang-gilas ang koponan ng Cagayan Women’s Team matapos talunin ang mga players mula Quirino sa ikalawang araw ng Cagayan Valley Athletics Association (CAVRAA) Volleyball Tournament na ginanap sa Ilagan City Sports Complex, City of Ilagan, Isabela ngayong araw, April 25, 2023.

Pinilit habulin ng Quirino Women’s Volleyball team ang kabilang grupo sa unang set ng laro ngunit hindi nagpatinag ang Cagayan at naiuwi ang unang panalo sa iskor na 22-25.

Hindi na sumapat ang depensa ng Qurino sa ikalawang set dahil tinambakan na sila ng kabilang koponan.

Sinubukan pa nilang isalba ang ang kanilang 15 na iskor nguni’t inilampaso sila ng kalabang Cagayan at nilamangan ng halos sampung puntos.

Kasabay naman nilang pinagwagian ang Cagayan Men’s Volleyball delegates matapos naman nilang talunin ang koponan ng Quirino sa ginanap na two-set volleyball tournament at nakapagtala ng iskor na 25-23, at 25-19 sa pinakahuling set ng laro.

Ulat ni Lemar Torres, Student Trainee.