Narito po ang breakdown ng report mula sa Cauayan City Health Office, September 24, 2021.

Merong kabuuang 608 na aktibong kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng Cauayan, ayon kay Mayor Bernard Faustino Dy. Hinihikayat po namin ang publiko na sumunod sa mga panuntunan habang ang lungsod ay nasa ilalim ng Hybrid General Community Quarantine Bubble hanggang September 30, 2021.

Magdoble-ingat po tayong lahat. Magsuot ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay, at obserbahan ang physical distancing, dagdag niya.(Courtesy: Cauayan City Health Office)