Chinese Calligraphy, itinuro sa mga taga-Cauayan City sa Isabela sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

 Ayon sa mga tagapagturo, ang Chinese Calligraphy ay simbolo ng kultura ng mga Tsino na kung saan ay gumagawa sila ng mga artistikong salita at arte para maipahayag ang mga ideya.

 Una nang naging palasak ang Chinese calligraphy, ayon sa pananaliksik, noong Han dynasty sa 206 BCE-220 BCE na kung saan ay mga fluid strokes, dots and lines ang ginagamit para mabuo ang mga karakter ng mga ideya.

Kilala rin bilang ideograms, ang calligraphy raw ay may simpleng strokes gaya ng yong na ibig sabihin ay eternity na may walong strokes at dots.

Itinuro rin ang mga pangunahing skrip na lumantad sa nakaraang 2000 taon gaya ng  Seal, Cursive, Semi-cursive, Clerical at Standard.

Gumamit ang mga estudyanteng tinuruan nga mga brush, papel, ink stick, at ink stone.#