Nagbigay-ningning sa kapaligiran ang pagbubukas ng Christmas Village centerpiece sa SM Cauayan kagabi (Nob. 5). (Larawang-kuha ni Felix Cuntapay Jr.)

Ulat nina FELIX CUNTAPAY JR. at MARIA JESUSA ESTEBAN

Nagkulay-pula ang bahagi ng Cauayan City habang binuksan kagabi ang Christmas centerpiece sa SM City Cauayan bilang opisyal na pagbubukas ng Pasko sa loob ng pamosong shopping mall.

Sa maningning na kapaligiran, ito raw ay simbolo ng pag-asa at pagmamahalan, ayon kay Krystal Gayle Agbulig, public relations manager ng SM Cauayan.

Bahagi ng Christmas Village centerpiece ang nutcrackers at Christmas trees sa iba’t ibang hugis. Mga regalo at mga minatamis na nasa mga karitela.

May mga gazebos rin sa lugar upang magsilbing masaya ang pagbisita sa mga iba’t ibang mga tindahan at kainan.

Nanguna sa pagbubukas ng Christmas village sina Mayor Bernard Dy ng Cauayan City at Engr. Mateo Pamittan na Building Administration Manager ng SM City Cauayan. #