Nagniningning ang pailaw sa harapan ng kapitolyo sa Isabela. (PIO Isabela)

Nagbigay ng sigla ang bahagi ng Isabela sa pagbubukas kamakalawa sa Christmas village sa Queen Isabela Park sa harapan ng panlalawigang kapitolyo.

Bilang opisyal na pagbubukas ng Pasko, nagbigay ito ng maningning na kapaligiran at ito raw ay simbolo ng pagkakaisa, pag-asa at pagmamahalan. Bahagi ng Christmas Village ang pinailawang tila-mundo na bilog na estraktura, mga nutcrackers at Christmas trees sa iba’t ibang hugis, mga tila-regalo at iba pa.

May mga gazebos rin sa lugar upang magsilbing masaya ang pagbisita sa mga iba’t ibang mga tindahan at kainan.
Tuwing gabi ang mga pailaw at stalls sa naturang lugar.#