Courtesy: MBOC/Dave Santos

Dahil naging tabla ang resulta ng eleksyon sa pagitan ng dalawang kandidatong konsehal sa Solano, Nueva Vizcaya, naging “coin toss” ang ginawa ng Municipal Board of Canvassers (MBOC) upang malaman kung kanino ang unang pwesto sa konseho. 

Parehong may 13, 451 na boto sina Thomas Dave Santos at Clifford Tito, isang optometrist.

Sa huli, nanalo sa “coin toss” bilang Number 1 si Santos, isang negosyante ang unang puwesto na napakahalaga kapag may nag-resign, namatay, may permanenting disability o umakyat sa succession ang elected na bise mayor. 

Parehong baguhan sa konseho sina Santos at Tito.

Sa batas, pinapayagan ang draw lots kapag may tabla sa mga boto ng mga kandidato pero kailangang pumayag ang dalawang panig. Gayunman, maaari rin ang “coin toss” kung payag ang mga kandidatong panalo na nagkatabla ang boto.#