Naitala kahapon, September 11 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,041 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 469 na gumaling at 55 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 10.60% (8,898) ang aktibong kaso, 86.38% (72,447) na ang gumaling, at 2.97% (2,497) ang namatay.