Naitala kahapon, September 12 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,029 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 539 na gumaling at 41 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 11% (9,347) ang aktibong kaso, 86.38% (73,016) na ang gumaling, at 2.98% (2,538) ang namatay.