Naitala kahapon, September 13 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,009 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 760 na gumaling at 24 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 11.13% (9,572) ang aktibong kaso, 85.84% (73,776) na ang gumaling, at 2.98% (2,562) ang namatay.