Naitala kahapon, September 18 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,447 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 662 na gumaling at 43 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 11.17% (10,241) ang aktibong kaso, 85.79% (78,632) na ang gumaling, at 2.99% (2,748) ang namatay.