Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng pitumpung (70) panibagong kaso ang ating lalawigan, putumpu’t-apat (74) naman ang mga gumaling mula sa virus, at isa (1) ang nasawi.

Sa kabuuang bilang, 4,184 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 494 dito ang ACTIVE CASES, 3,526 naman ang RECOVERED CASES at 128 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa probinsya ng Quirino. Dahil dito, tuloy ang pagpapaalala ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan na mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19, ayon kay Governor Dakila Carlo Cua.