Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng dalawampu’t walong (28) panibagong kaso ng covid-19 ang ating lalawigan, at labingsiyam (19) naman ang mga bagong gumaling mula sa virus.

Sa kabuuang bilang, 3,628 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 460 dito ang ACTIVE CASES 3,062 naman ang RECOVERED CASES at nanatili sa 106 ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa ating probinsya kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang ating Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.